Ragasa
- Audrey Badillo
- Jan 27, 2019
- 2 min read
Manaka-nakang pag-ulan na nagiging bagyo. Lamig na nakapagdudulot ng nginig sa buong katawan. Init na tila sumusunog sa balat. Ang mundo ay patuloy ng nag-iiba. Gumugulo, nakakalito,nakakasira, nakamamatay.
Patuloy ng lumalaganap ang katagang "Climate Change". Nakakatuwa sigurong isipin na ang mabilisang pagbabago ng klima ay dulot lamang ng isang "supernatural belief" na kapag may araw habang umuulan, may ikinakasal lamang na tikbalang. Ngunit, hindi. Ang pagbabagong ito ay minsan ng sumira sa buhay ng isang tao.
Unti-unti nating nararamdaman ang epekto ng ating mga maling nagawa. Kaunting ulan, baha agad. Kumbaga kaunting landi, mahal na agad. Yan tayo eh, kaunti pa lang yun pero sobrang lakas na nang tama. Araw-araw nating nararamdaman ang mabilisang pagbabago ng klima, yung maaraw tapos biglang uulan.
Nararanasan din natin ang mga bagyong bagaman di pa Super Typhoon ay lumamon na at sumira sa buhay ng karamihan. Ating nararanasan ang sobrang init na hindi lang sumusunog sa ating mga balat, pinapataas din nito ang presyon at alta-presyon. Kaunti pa lamang yan sa ngayon, hahayaan mo ba na patuloy pa itong lumala? Isipin mo kung ilang buhay pa ang patuloy na mawawala. At isipin mo rin na isa ka sa mga buhay na "mapalad" na mapili.
Gumugulo na ang mundo at patuloy ng nakakalito. Hindi na maiiwasan kung ano ang nagyayari at baguhin ang nangyari. Pero kaya nating lumaban hangga't may alam tayong panlaban. Hindi man natin kayang kalabanin ang panahon, pero kaya natin tong sabayan.
Natuturuan ang isipan, damdamin at katawan. Kailangan nating maging isa sa panahon, makisama, maki-bagay, mag-ADJUST. Tayo dapat dahil tayo ang mas nakakaalam at tayo ang may kakayahan upang itama kung anong mali man meron.
Tulad ng klima ang ating nararamdaman at isipan ay pabago-bago rin. Pabugso-bugso kumbaga. Wag nating hayaan na ang ULAN lang ay tumagal at maging bagyo. Wag mong hayaang ang nararamdaman mo ay maging depresyon, maging isang mala-halimaw na agos ng tubig. Maging isang nakakatakot na bagyo at lamunin ang lahat ng kalakasan na meron ka, na unti-unting naglalaho.
Every after the rain, there comes a rainbow. Pero hahayaan mo ba na sa bawat pagkatapos saka ka lamang kikilos? Why make it before every surges,before the typhoon, before everything ends. Before your journey and your life ends.
Comments